relax – steady – hangout – congrats
if you’re quite annoyed, just click the stop button. i just felt that the music made an impact when i wrote this..
we just need a place where we could all hang-out, get together, and exchange stuff (from the latest happenings to the never ending memories that we all had..).
nakakamiss yung mga samahan na nangyari noon. yung mga kalokohan, tawanan, badtripan, backstaban, etc etc. hindi natin alam kung bakit hindi pwede tumigil ang gulong ng buhay, lalo na doon sa masarap na part. pero ganun talaga eh, kailangan lahat magbago. nandiyan yung nakikita mo yung katawan mo lumolobo ng walang dahilan, yung pagpasok ng college ng mga nakababatang utol mo, yung mga responsibilidad na ini-hain sayo ng magulang mo, at yung mga kaibigan mong nagkakatuluyan… masayang panoorin at the same time nakakalungkot din kasi alam mong dapat ikaw din makisabay sa pagbabagong nangyayari sa paligid mo.
magandang example nito meron kang mga kaibigan na napamahal na sayo. andiyan na yung lagi kayong nagkakasama, tawanan, samaan ng loob tapos nagkakaayos din, mga bagay-bagay na parte ng pagkakaibigan. all of a sudden, malalaman mo nalang na ikakasal na pala sila. bad trip kasi alam mo sa sarili mo na kailangan na nilang magsariling buhay. biglang buhos lahat ng magagandang memories na napagdaanan. nakakalungkot mang isipin pero shempre kelangan mong tanggapin na kelangan na nilang magsarili. anak ng puta pag may lakad, mapapa-isip ka na “wala malabo yun, di makakasama…”. ganun na talaga eh. dami nakong kaibigan na ganyan. isang bilyong tao kayo sa mundo, nauuwi lang talaga sa dalawa. nakakapagtaka and at the same time, nakakatuwa.
ang kagandahan talaga ng buhay ay yung mga pangyayaring naranasan mo. darating din talaga ang puntong mapapag-usapan nyo ang mga napag-daanan nyo pag nagkita kayo sa mall. sigurado, mangyayare ang mga tawanan na napakasarap pakinggan pag galing sa mga puso, ang mga nagiinggitang mga mata ng mga taong nakakakita sa sayang nadarama ninyo. tsk, sarap din. sarap mabuhay.
this is for nigel and juvy who’re expecting to be parents 7 months from now. i salute you for bringing the gift of life. let the good chi and positive outlook flow from you and the fruit of your love. let us not forget the memories that we all shared. walang iwanan!
wishing you all the best in life.




June 7th, 2005 at 12:18 am
tangena nkklungot nman yang sulat mo., naalala ko 2loy ung dati… potah!!! pro masaya pa din syempre… ok k tlaga.tnx…
June 7th, 2005 at 12:20 am
ssbayan mo p nung sounds nkklungkot e. hehehe… nkkmiss sobra…
June 7th, 2005 at 11:24 am
you da man men! idol talaga kita!
June 9th, 2005 at 6:42 pm
ampota ang drama brad ah. tinamaan ba ang soft spot mo. hehehe!!!
June 20th, 2005 at 12:43 pm
braggaduchi talaga ng buhay.. nakakalungkot man isipin talagang ganyan. marami pa magagandang memories ang pnagdaanan namin ni nigel, specially nung mga highschool life.pero ganyan talaga ang buhay dadaan at dadaan talaga tayo don… huwaaa congrats pare…
nigel and juvy ahh goodluck na lang sa bagong level ng buhay…. wishing you all the best… – parang namatay si nigel dito ah..
November 27th, 2008 at 1:17 pm
effin’ emo!